-
Views
-
Cite
Cite
Desamarie Antonette P Fernandez, Emmanuel Do Linh San, Pierre-Michel Forget, Géraldine Veron, Carnivorans of the Philippines: current knowledge and research gaps, Journal of Mammalogy, 2025;, gyaf020, https://doi.org/10.1093/jmammal/gyaf020
- Share Icon Share
Abstract
There are 7 carnivoran species in the Philippines, and despite their ecological and conservation importance, there has never been a review of the current knowledge and research efforts on these species in the country before. Here, we present the results of a comprehensive literature review and provide a summary of current knowledge on each carnivoran species in the Philippines. We searched 2 online databases (Google Scholar, Web of Science) and found 68 journal articles and reports published between January 1990 and October 2023. Research on Philippine carnivorans increased steadily over the past 34 years, with 54% of all studies being published in the past 10 years. Research in Palawan and nearby islands accounted for 66% of all studies, likely because carnivoran species richness of Palawan is higher than in the rest of the Philippines. The “Spatial Ecology and Habitat Use” category consisted of the highest number of publications, but more than half of these papers are simply occurrence records from larger biodiversity studies. Research on human–wildlife interactions and conservation practices point to hunting and habitat degradation as the leading threats to carnivorans in the Philippines. However, population and community ecology—as well as other basic ecological requirements of many species—are virtually unknown. Compared to similar reviews on other taxa in the Philippines and on carnivorans in other countries, our review reveals that carnivorans seem to be greatly understudied in the Philippines, thus highlighting a need for more research on these species, some of which are threatened. Owing to recent changes in the taxonomic status of the Sunda Leopard Cat and Philippine Palm Civet, and recognition that the Philippine mongoose is a population of the Collared Mongoose, the IUCN Red List status of these species should be re-assessed.
Abstrak
May pitong uri ng carnivoran sa Pilipinas, at sa kabila ng kanilang kahalagahan sa ekolohiya at konserbasyon, hindi pa nagkaroon ng pagsusuri sa kasalukuyang kaalaman at pagsisikap sa pananaliksik sa mga species na ito sa bansa. Sa artikulong ito, ipinapakita namin ang mga resulta ng isang komprehensibong pagsuri sa mga batis at literatura at nagbibigay ng buod ng kasalukuyang kaalaman sa bawat uri ng carnivoran sa Pilipinas. Naghanap kami sa dalawang malawak na online database (Google Scholar, Web of Science) at nakapagtipon ng 68 na artikulo mula sa mga siyentipikong batis at iba pang literatura na inilathala mula Enero 1990 hanggang Oktubre 2023. Dumami ang mga pag-aaral na nailathala tungkol sa mga carnivoran sa Pilipinas sa loob ng 34 na taon, kung saan 54% nito ay mula sa nakalipas na sampung taon. Sa lahat ng mga pag-aaral, 66% ay binubuo ng mga saliksik na tumatalakay sa Palawan at ibang karatig-isla marahil dahil ang yaman ng carnivoran species dito ay mas mataas kaysa sa ibang bahagi ng Pilipinas. Pinakamarami ang naitala na mga publikasyon sa ilalim ng kategoryang “Spatial Ecology and Habitat Use,” subalit higit kalahati ng mga ito ay simpleng talaan lamang ng pag-iral mula sa mas malalawak pang mga pag-aaral ng laksambuhay. Pinapakita ng mga pananaliksik tungkol sa ugnayan ng tao at hayop at mga kasanayang pangkonserbasyon na ang pangunahing banta sa pagkaubos ng mga carnivoran sa Pilipinas ay pangangaso at pagkasira ng kapaligiran. Gayumpaman, halos walang impormasyong nakalap tungkol sa ekolohiyang pampopulasyon at pangkomunidad, maging sa iba pang pangunahing pangangailangang ekolohika ng maraming uri ng carnivoran. Kung ikukumpara sa mga katulad na pagsusuri sa loob at labas ng bansa, ang mga carnivoran ay tila hindi gaanong pinag-aaralan sa Pilipinas, kaya binibigyang-diin ang pangangailangan ng karagdagang pananaliksik sa mga species na ito. Dahil sa mga pagbabago sa klasipikasyon ng Sunda Leopard Cat, Philippine Palm Civet, at Palawan Collared Mongoose, ang kanilang mga kategorya sa IUCN Red List ay dapat na muling tasahin.